Sabado na naman. Ang araw lulubog, sa isang bukas manonood ng ... SWEET 18! hehe!
At siyempre, a time to thank the Lord for adding another year to me. Time is passing too fast; you don’t even get a chance to have second thoughts. Anyhow, He’s always been faithful to me and my loveones. Salamat po, Lord. I give You all praises!
Grabe, kahit ako hindi makapaniwala na dagdag edad na naman. Pinakamatagal ko yatang age yung 17. Parang maraming nangyari when I was seventeen. Ah, first year sa UP noon; marami ngang nangyari. Ano nga ba, 17 or 19? Ay, yung fifteen pala, yun yata ang matagal sa High School saka yung elem years. Gulo ko! Basta, ako pa rin ang youngest dito at one of the youngest sa core team! Hehe!
So walang pasok ang birthday ko. Wala rin ako online. =p Ok lang, I will go home tomorrow, Quezon City Day, so holiday dito! Tiyak na maglilinis na naman ako sa amin—yan, yan ang tinatawag na ‘a way to celebrate one’s birthday—aalilain!
Nakakapraning yung ginagawa naming specs ng activities. Imagine, almost one week ko na yung binubuno. Konti pa at matatapos ko na. Nasubmit ko na yung iba. Siyempre, winner pa rin ang aking External factors. Wala na yatang katapusan yun! Sometimes, I just ignore it!
Ay, nagluluto nga pala ako ng pansit tonight. *cross fingers* Marami nang nag-coach sa akin how to do it, I hope Experiment No. ___ will be successful! Nadada li lang sa experiments ang kitchen namin, nakakaros din! Hihi! I'm expecting friends to come over: mag-asawang Mhes at Czar saka si Tephen, tapos kami nila Teeny at Aidz. Sayang hindi yata pwede si Mam Dol.
So, next week na lang uli. By then, I'm a year older. *eyebrows*
No comments:
Post a Comment